Athena's Demitasse

A demitasse is a small cup of black coffee. I only need one to fuel my thoughts, two to make me babble until the wee hours, three to make my left eye twitch and four... (You wouldn't want to know...)

Saturday, April 01, 2006

PANAGINIP NG DILAT

Nanaginip ako.
Sa malawak na parang,
Gumagalaw ang lupa,
Tumutubo ang damong
Luntian ng walang tigil -
Mula sa haba nitong
Hanggang sakong sa
Isang pikit-mata naging
Karera ang pagtubo nila.
Unahan ang mga dahon.
Pabilis ng pabilis.
Isang hinga, isang pikit-mata,
Isang pulgada ng pag-usbong.
Pero hindi nagbago ang amoy nila.
Amoy ng luntiang damong sinabuyan
Sinasabayan ng sinag ng araw.
Isang halik na kayang bagtasin
Ang layo sa pagitan nila.
Mula sa langit ang isa,
Patungo sa lupa.
Ang isa'y patungo sa direksiyon ng isa.
Ngayon, abot baywang na ang damo.
Parang pilit inaabot nito ang halik ng sinag,
Mainit, humihiling, naghahanap.
Kailangan kong magising,
Sa isang panaginip na dilat ang mata.
Ang pagpikit ba ng mga mata,
Ay isang tanda ng paggising
Kung kasabay nito ang isang malalim
Na buntong hininga?

0 Comments:

Post a Comment

<< Home