Athena's Demitasse

A demitasse is a small cup of black coffee. I only need one to fuel my thoughts, two to make me babble until the wee hours, three to make my left eye twitch and four... (You wouldn't want to know...)

Saturday, April 01, 2006

PAKIKIPAGTALIK SA ISIPAN

AN EXCERPT FROM: Unlearning 101 by Bernard Umali
Check full text, available at: http://bernardumali.blogs.friendster.com/blues_blog/2006/03/unlearning_101.html
Bad trip sa tsismis, sa walang ginawa kundi magkalat ng kung anu-anong tsismis. Sa mga may prejudice, sa mga taong kundi arok ang tinatakbo ng isip mo ay huhusgahan ka at sasabihang baliw; pero ok lang, nasa good company ako. ‘Ika nga ni Pilosopo Tasyo:

Ang mga tao’y naniniwalang baliw ang may ibang isipan kaysa kanila, kaya ako’y ipinapalagay nilang gayon - ito’y ipagpapasalamat ko, pagka’t sa araw na ituring nila akong matino, sa aba ko! Maaalisan na ako ng kaunting kalayaang pinagbayaran ko ng karangalan ng aking pagka-matinong tao.

-------------------------------------------------------------

PAKIKIPAGTALIK SA ISIPAN
mmbbaybay 030306

Nakakatuwa, dalawang magkaibang tao.
Dalawang taong hindi man magkita,
Pero ang isip ay parang nag-uugnay, nag-iisa.
Dalawang tao na ni sa hinagap ay hindi maaring magtalik.
Pero sa lugar kung saan ang pagpapalitan ng ideya
Ay maaaring paraan ng mainit na paghahalikan;
Sa pagkakataon na ang paghaplos
Sa bahagi ng katawang maselan
Ay isang matalinghanggang pagpapahayag lamang
Ng pagdama at pakikiayon
Sa hinagpis at kasiyahan ng bawat isa
Na magkahiwalay naman na nadadama at nadadaanan.
May oras na ang mapusok na pagpatong sa ibabaw ng katawan
Bilang hudyat ng paglalapit sa sukdulan ng pagraos
Ay paraan lamang upang ipahiwatig
Ang kabaliwan ng ideyang ni sa hinuha
Ay hindi maabot sa sukdulan ng iba;
At ang pagpasok sa ari ay tanda ng pag-intinding higit pa
Sa makamundong daing ng pagnanasa.
Ipasok man ng pabalik-pabalik,
Upang ang sukdulan ay ang paglabas
- Hindi ng tamis ng pagkalalaki o kahit ng pagkababae -
Pero paglabas ng mga ideyang tanging ang mga taong baliw
Lamang ang uunawa na siyang tunay na daan...
UPANG MAGTALIK ANG ATING MGA IDEYA.
Kung ito din lamang, halika...
Hindi sa kama, hindi nakatayo,
Hindi sa paupong mas gusto ng iba.
Ni hindi natin kailangang magdaupang palad o magkita,
Ang ideyang likas na dumudungaw
Sa mga katawang hindi kailangang hubad
Pero sa isipang bukas at malayang nag-eenganyo...
Halika... MAGTALIK TAYO SA ISIPAN.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home